Parc Joseph Royal

Ang Parc Joseph Royal ay ang lugar ng ilang mahahalagang industriya at negosyo. Isinasalaysay ng mga interpretive panel ang kasaysayan ng isang wool mill at ang Provencher Bridge. Si Joseph Royal ay miyembro ng pinakamaagang Gabinete ng probinsiya, Tagapagsalita ng lehislatura noong 1871-72, tagapagtatag ng pahayagang Le Métis noong 1871, at may-akda ng Bill na nagtatag ng Unibersidad ng Manitoba, kung saan siya ang unang bise-chancellor. Noong 1870s at 1880s, nanirahan siya sa 147 Provencher Boulevard.
  • Kultura ng French Canadian
  • Kasaysayan ng Manitoba